Maligayang Pagdating sa FANS Study

Ang FANS ay isang pag-aaral ng kanser sa baga sa mga kababaihang Asyano na hindi kailanmang nanigarilyo (Female Asian Never Smoker).

Alam mo ba?

Sa isang makabagong pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na 57% ng mga kababaihang Asyano sa Amerika na nasuri na may kanser sa baga ay hindi kailanmang nanigarilyo. Aalamin ng pag-aaral na FANS  ang mga posibleng sanhi ng kanser sa baga kabilang ang second hand na usok, genetika, at mga kadahilanan sa kultura.

 

In Memory Of

Si Dr. Cindy Ng, MD, isang miyembro ng FANS Study Community Advisory Board, ay pumanaw noong Enero 6, 2022 matapos ang kanyang 4.5 taong laban sa kanser sa baga. Siya ay 49 na taong gulang. Napaligiran si Cindy ng pamilya sa kanyang mapayapang pagpanaw dito sa San Francisco. Dedikado si Cindy sa komunidad at sa pagsuporta ng lung cancer research ng mga Asian American na mga kababaihan na hindi kailanman na nanigarilyo.

Si Dr. Patricia (Trish) Hom, MD, MPH, isang napakaimportanteng miyembro ng FANS Study Team at ng Community Advisory Board, ay pumanaw na noong December 27th 2021 sa San Francisco dahil sa lung cancer. Siya ay 40 na taong gulang. Isa siyang matatag na tagapagtaguyod para sa lung cancer research, lalo na sa mga hindi nanigarilyong Asian American na kababaihan, at nagbigay ng napakahalagang mga kontribusyon sa aming pananaliksik. Mararamdamang lubos ng aming FANS team ang kanyang pagkawala. 

Kung nais ninyong malaman ang higit pa tungkol kay Trish, ang isang personal na account ng kanyang karanasan sa kanser ang na-publish kamakailan ng Cancer Health. Ang karagdagang impormasyon tungkol kay Trish at sa kanyang buhay ay matatagpuan dito.

Labis kaming nalulungkot sa pagkawala nila. Dahil marami sa aming mga mahal sa buhay ay naapektuhan ng kanser, ang aming trabaho ay lubusang personal sa amin. Sina Trish, Cindy, at mga ibang pasyente na mayroon kanser sa baga ang nag-uudyok sa amin na mas maunawaan kung paano maiwasan ang sakit na ito. Iniaalay naming ang pag-aaral na ito kina Trish at Cindy at ipagpapatuloy naming ito bilang alaala sa kanila.

 

Dr. Primo "Lucky" Lara from the UC Davis Comprehensive Cancer Center shares more about why this study is important for our community.